lia

Zild - Lia Lyrics

Lia lyrics by Zild

Dahil nga sa pagbabanda, nakilala ka
Salamat nga sa musika
Natagpuan kita bigla
Hawak mo pulang gitara sa studio ko
At narinig kang kumanta
Nabighani nga bigla

Gagawa ako ng kanta
Na ikaw ang pamagat
Mga letra’y ‘di pa handa
Tono ang nauna

Ikaw ang hinihintay ko
Handang magpakatotoo
Binubuksan ang pinto
‘Kala ko noon (Akala ko noon)
Hindi ko na kaya

Nagsimula no’ng naalala ka sa Shibuya
Sinabi kong bagay ka do’n
Istilo mo ay pang-Hapon
Sabi mo, “Pangarap ko ang makapunta diyan
Magbakasyon diyan sa Japan
Ang suwerte-suwerte mo naman”

Aaminin ko sa ‘yo
Na aishiteru, oh

Ikaw ang hinihintay ko
Handang magpakatotoo
Binubuksan ang pinto
Handang magmahal nang buo
Akala ko noon (Akala ko noon)
Hindi ko na kaya
Sa bagong panahon (Sa bagong panahon)
Ikaw na ang kasama

Dahil nga sa pagbabanda, nakilala ka
Salamat nga sa musika
Natagpuan kita bigla

Related

Segurista

by Zild

Segurista lyrics by Zild Okay, okay Game, game, game Sige Nakita ka Hala, hindi ko nga ito sinasadya, mabuang Natandaan Alam ko ngang hindi ito seryoso, panglibang Akala ko no’ng umpisa May posibilidad Mabuti na’ng ...