kaakit akit

Over October - Kaakit-akit Lyrics

Kaakit-akit lyrics by Over October

Nakatingin, hindi alam ang gagawin
Nauutal, ano bang dapat kong sabihin?
Nababaliw, ‘di mapigilan aking pagngiti
Pagka ika’y sumasagi sa ‘king isip

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama?
(Teka lang, parang ang bilis masyado)
Nangungulila na sa ‘yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?)

Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa t’wing lalapit, tanggal ang angas ko
Ika’y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika’y kaakit-akit

Mapapansin mo kaya ang aking pagtingin
O lakambini na laman ng panalangin?
Sumisigaw, ‘di makatulog dahil sa kilig
Gusto ko lang naman ikaw ay makapiling

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama?
(Teka lang, parang ang bilis masyado)
Nangungulila na sa ‘yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?)

Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa t’wing lalapit, tanggal ang angas ko
Ika’y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika’y kaakit-akit

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama?
(Sige lang, ‘wag nang pinapakomplikado)
Nangungulila na sa ‘yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga! Siya talaga! Pag-ibig nga!)
(Kaakit-akit) Gumuho man ang mundo, ‘di ka mag-iisa
(Mananatili at hindi ‘yon magbabago)
(Kaakit-akit) Habang buhay, magkasama tayong tatanda, ah, ah

Kaakit-akit, nauulol sa iyo (Nauulol sa iyo)
Sa t’wing lalapit, tanggal ang angas ko (Tanggal ang angas ko)
Ika’y iibigin, iaalay ang mundo (Sa iyo iaalay ang mundo)
At sasabihing ika’y kaakit-akit

Ika’y kaakit-akit
Ika’y kaakit-akit

Related

Ikot

by Over October

Ikot lyrics by Over October Paikot-ikot lang Mula nung mailang Gawa ng ‘yong tingin at ngiti ‘Di sinasadyang Mahulog, mahibang Aasa na tayo sa huli Aaminin ko ba? O baka bigla lang mawala Kung ano ...