namumula

Namumula

English Translation External Link Icon

Updated on

Nababaliw na naman ako
Parang sirang nagpupuyat para sa’yo
‘Di ko na nagawa ang project ko
Pero yung sa ‘yo at sa kapatid mo, ginagawa ko

Kupido, seryosohin mo nga ako
Bakit lagi na lang sa tao na hindi handa?
O ‘di naman may mahal nang iba?

Namumula
Sabi ng utak, “Tama na”
Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama
Kahit na-na-na-namumula
Sabi ng puso, “Kaya pa”
Hindi tumitigil kahit pula
Ikaw pa rin, sinta

Umiiyak nanaman ako
Pero sabi mo “friends” lang ka’yo
Syempre maniniwala ako sa’yo

Kupido, seryosohin mo nga ako
Bakit lagi na lang sa tao na hindi handa?
O ‘di naman may mahal nang iba?

Namumula
Sabi ng utak, “Tama na”
Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama
Kahit na-na-na-namumula
Sabi ng puso, “Kaya pa”
Hindi tumitigil kahit pula
Ikaw pa rin, sinta

Oh, ikaw lang ang gusto
(Ikaw lang ang gusto)
Kahit ‘di ako ang gusto mo
(Kahit ‘di ako ang gusto mo)

Ito na, ‘di na nga aasa
‘Di na mamumula sa maling tao

Sabi ng utak, “Tama na”
Ayaw paawat ng aking na-na-nadarama
Kahit na-na-na-namumula
Sabi ng puso, “Kaya pa” (Ipipikit ko nalang aking mata)
Hindi tumitigil kahit pula (Kahit ikaw nalang ang kakampe ko)
Ikaw pa rin, sinta