Kapag ka naiinis ka
Tumingin ka lang sa langit
Itingala mo lang saglit
Ipaubaya na sa hangin
Isa lang, isa lang ang tinitignan nating langit
Isa lang, isa lang ang hinihinga nating hangin
Isa lang ang buhay na bigay sa atin
Isa lang, isa lang
La la lalala lala lala
Ano ba ang pagmamahal?
Yun ba yung nagtatagal
Yung pwede mong sandalan
Kapagka napapagal
Sasamahan mula bulsang mapayat
Hanggang sa kumapal
Hanggang makalabas
Hanggang makapasyal
‘Di na makapaghintay na ikaw ay bihisan ng bago kong bili
Sana magustuhan mo
Oras nilalaan ko
Suportahan palagi tapos ipinagdarasal ko
Na sana lahat gusto mo abutin ay makamit mo
Kung di ka sigurado subukan mo
Okay lang na malito
Magiging malapit lalo kapagka sinasambit mo
Kahit buong mundo kalaban ako ang kakampi mo
Kung iniisip mong walang naniniwala
Naniniwala ako sayo
Natural mag-alangan
Kase
Sinilang na walang kaalam alam
Ano ang aking misyon
Hindi ko rin to alam
Basta ang alam ko lang
Gusto kong maranasan lahat ng bagay na
Gusto iparamdam
Sa’kin ng mundo at matutunan ang di pa alam
Sisirin pa ang lalim ng aking kaalaman
Ilapit pa ang sarili ko sa kalikasan
Ano kaya ang tadhana ang sakin nakalaan?
Isa lang, isa lang ang tinitignan nating langit
Isa lang, isa lang ang hinihinga nating hangin
Isa lang ang buhay na bigay sa atin
Isa lang, Isa lang
La la lalala lala lala
Bisita lang ako sa mundong to
Wala kong pagmamay-ari
Kumbaga alikabok ituring ng kalawakan, agiw
Simpleng taong, mayroong big dreams
May hangarin
Gusto abutin bago katawang lupa lisanin
Malasakit ‘di maipakita
Kasi medyo mahiyain
Kung di ka makasabay
Tempo pabagalin
Sasamahan ka lagpasan
Akbayan patawid mga balakid
Sasamahan ka palagi kapagka ikaw ay nababadtrip
Saang resto mo tayo kakain
Saan tatambay para sa preskong hangin
Tutulungan ka na kahit
Di ka lumalapit
Mahigpit kang yayakapin
Kung walang sagot sa bakit
Pwede rin naman
Kung gusto mo manahimik
Atin munang palipasin
Kasi kahit anong ulan ang magdaan sa atin
Kung tunay
Hindi ka kakalawangin
Di malilimitahan
(Yeah, yeah, yeah, yeah)
Di malilimitahan
Di malilimitahan
Mula Navotas gang Cubao
Sa tag-araw, tatlong oras na byahe
Nagtatrabaho buong araw kasi uhaw
Sa buhay na mayroon
Musika ang inspirasyon
Yeah
Gusto kong pumunta don
Gusto ko ring magkaron
Mula pano kaya ‘yon?
Hanggang pwede pala ‘yon
Daigdig na di lalaban ng patas
Pano makakalamang
Pag-ibig lang ang dala ko
Walang nang mapaglagyan
Humiga sa damuhan kalawakan tignan
Kaya ko din kuminang
Kahit na maglayo ating landas
Sana maalala mo ako sa magandang paraan
Laging tandaan
Isa lang ang langit na ating tinitingalaan
Baka pag nakatingin ka’y akin din siyang pinagmamasdan
Isa lang naman ang mundo na ating ginagalawan