nilalang

Nilalang

English Translation External Link Icon

Naiinis sa sarili ‘si ba’t gan’to?
Nawawala lahat-lahat ng angas ko
Bumibilis bigla tibok ng puso ko
Tila tumatakbo, oras humihinto, bakit naman gan’to?

Kada dumadampi ang hangin sa’kin
May bulong na parang panalangin kong gusto
Nalilinawan ang lahat at mahiwaga sapagkat
Ikaw at ako andito, oh-oh, oh-oh

Sadyang maganda kang talaga
Sa lahat, pinakamagandang nilalang
Nakakailang ulit
‘Di ka matitigan nang dire-diretso lang
Salamat sa kalawakan
Bigla kang nilapit sa’kin na parang
Nakatakdang mangyari lahat ng ‘to
Nirekta mo ‘ko sa puso ko, ang lala

Higit pa sa panaginip ang tulad mo
Nahulog na bituin, hiling ko’y nasalo

Para kang ‘di tagarito sa lupa
Ganda mo’y ‘di pangkaraniwang bihira
Oh, aking prinsesa sa tore, sa’yo tatalon
Ililigtas ka sa higanteng dragon
Ikaw ay diwatang bantay ng sagradong talon
Kunin mo ‘ko nang tuluyan
Sa’yo na ‘ko tatahan, sa’yo na ‘ko tatahan

Sadyang maganda kang talaga
Sa lahat, pinakamagandang nilalang
Nakakailang ulit
‘Di ka matitigan nang dire-diretso lang
Salamat sa kalawakan
Bigla kang nilapit sa’kin na parang
Nakatakdang mangyari lahat ng ‘to
Nirekta mo ‘ko sa puso ko, ang lala, lala, lala

Sadyang maganda kang talaga
Sa lahat, pinakamagandang nilalang
Nakakailang ulit
‘Di ka matitigan nang dire-diretso lang
Lahat-lahat sa’kin wala nang halaga
Bukod sa’yo, mahal, oh, baby, aking sinisinta
Ikaw pinakamaganda
‘La ‘kong pake sa iba, oo wala, wala