paraya

Paraya

English Translation External Link Icon

Updated on

Meron pa ba akong magagawa
Sa lihim ng pagpatak ng ‘yong luha?
O sana lamang ay ‘di mo sinadya

‘Di ka makatingin sa akin
Sa tuwing ika’y tatanungin
Anong nangyari?
Ba’t di mo masabi?

Nais kong malaman mo
Lahat ay kaya ko para sa ‘yo

Sana lang ‘wag kang mapigilan
Huwag kang mangamba
‘Di bale nang masaktan
Kung sa’n ka masaya
Do’n tayo pupunta

Tila ang daya ng tadhana
‘Di ka pa sa ‘kin pinaubaya
O sana lamang ay hindi mo sinadya

O sana lang ‘wag kang mapigilan
Huwag kang mangamba
‘Di bale nang masaktan
Kung sa’n ka masaya
Do’n tayo pupunta

Kung sa’n ka masaya
‘Di bale nang masaktan
‘Wag kang mangamba

O sana lang wag kang mapigilan
Huwag kang mangamba
‘Di bale nang masaktan
Kung sa’n ka masaya
Do’n tayo pupunta

‘Wag kang mapigilan
‘Wag kang mangamba
Do’n tayo pupunta
Kung sa’n ka masaya