na na nandito lang

Lyrics

Na Na Nandito Lang

BINI

BINI

Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako

Sa mundong mapaglaro
May mga bagay talagang hindi sigurado
Palagi na lang tuliro, kakaisip kung paano ba ‘to?
Hindi na alam kung anong gagawin mo
Ilang beses nang nasaktan at nasugatan
Patuloy ka pa bang lalaban?
Hanggang kailan mo kaya susubukan
Ang dami mong alinlangan
Maaari bang pakawalan?
Malalampasan rin naman

‘Wag nang mangamba, hindi ka nag-iisa
‘Wag ka nang mag-alala, dadamayan kita
Sa oras ng kalungkutan, hindi kita bibitawan
Sa’kin ka magpahinga

‘Wag kang susuko, ‘wag magpatalo
Ano mang pagsubok ng mundo, oh, oh
Tibayan ang puso, lakasan ang loob mo
Tumingala, taas noo

Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako

Ano man ang pagdaanan, ‘wag mong kalilimutan
Hindi ka iiwan, ‘di pababayaan, maaasahan (Maaasahan)
Maniwala lang sa’yong sarili, iwasang maging negatibo palagi
Mga duda mo’y pakawalan, malalampasan rin naman

‘Wag nang mangamba, hindi ka nag-iisa
‘Wag ka nang mag-alala, dadamayan kita
Sa oras ng kalungkutan, hindi kita bibitawan
Sa’kin ka magpahinga, ooh

‘Wag kang susuko, ‘wag magpatalo
Ano mang pagsubok ng mundo, oh, oh
Tibayan ang puso, lakasan ang loob mo
Tumingala, taas noo

Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako (Na-na, na-na, na-na, na-na)
Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako

Merong handang making, handang yumakap
Handang saluhin ka muli at muli
Lagi kang magtiwala
‘Wag mawalan ng pag-asa
Nandito lang ako, oh

‘Wag kang susuko, ‘wag magpatalo
Ano mang pagsubok ng mundo, oh, oh
Tibayan ang puso, lakasan ang loob mo (Oh, oh)
Tumingala, taas noo

Na-na-nandito lang (Oh)
Na-na-nandito lang ako (Oh, nandito lang ako)
Na-na-nandito lang (Oh)
Na-na-nandito lang ako (Oh)
Na-na-nandito lang
Na-na-nandito lang ako