ang huling cha cha

Lyrics

Ang Huling Cha Cha

BINI

BINI

Simple lang naman ang hinaing
Ang magmahal at mahalin
Nang ika’y aking naka-sayaw
Parang bagong sikat ang araw
Akala ko simple lang ang pag-ibig
‘Pag nahanap mo na ang kapares mo
Pwede ka pa palang mabati
‘Pag hindi nagsabay ang tiyempo niyo

Oh, hindi ko malaman
Kung paano mo nagagawa ang
Laging

One step forward, two steps back
Bawat apak na kay bigat
Kung ‘di mo kayang sumeryoso
Tumambling ka na lang papalayo
Aabante, aatras
Hindi ko naman magawang kumalas
Aabante, aatras
Nakakapagod nang magcha cha
Cha cha kasama ka

Pintig ng puso’y paiba-iba
Minsa’y mabilis, minsan mabagal
‘Di na masakyan ang musika
Na iniindak nating dalawa
Akala ko masaya ang pag-ibig
‘Pag nakatagpo na ng katuwang
Posibilidad na hindi ko naisip
Ay ako lang pala ang nakaramdam

Oh, hindi ko malaman
Kung pano mo nagagawa ang…
Laging

One step forward, two steps back
Bawat apak na kay bigat
Kung ‘di mo kayang sumeryoso
Tumambling ka na lang papalayo
Aabante, aatras
Hindi ko naman magawang kumalas
Aabante, aatras
Nakakapagod nang magcha cha
Cha cha kasama ka

One, two, three, four—
Ayoko nang makipaglaro
Five, six, seven, eight—
Kung magsisi ka, babe, it’s too late
Side step to the left
Papaalam na kahit masakit
Side step to the right
Huling cha cha ko na ‘to ba-bye
One, two, three, four—
Ayoko nang makipaglaro
Five, six, seven, eight—
Kung magsisi ka, babe, it’s too late
Side step to the left
Papaalam na kahit masakit
Side step to the right
Huling cha cha ko na ‘to ba-bye

One step forward, two steps back (Alright)
Bawa’t apak na kay bigat (Ayy, ayy)
Kung ‘di mo kayang sumeryoso (Sumeryoso)
Tumambling ka na lang papalayo (Lumayo, lumayo ka na)
Aabante, aatras
Hindi ko naman magawang kumalas (Umabante, umatras)
Aabante, aatras
Nakakapagod nang magcha cha
Cha cha kasama ka