salbabida

Ben&Ben - Salbabida Lyrics

Ben&Ben

Filipino indie folk-pop band from Manila

Salbabida lyrics by Ben&Ben

Bumabaybay sa dalampasigan ng pag-ibig
Di na namalayang lumayo
Kumakampay pabalik sa may pampang subalit
Di na matakasan ang bagyo

Nagsusungit ang hangin, nagtatampo ang kalangitan
Lumuluha ang mga ulap sa pag-ulan

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, di ba, di ba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, di ba, di ba
Dahil di na mag-iisa
Sabi mo di ba, kapit ka lang sinta

Salbabida-di-dada-di-da
Salbabida-di-dada-di-da

Nangangamba sa mapaglarong banta ng tubig
At parang pagod nang lumangoy
Nakaamba ang mapagkalinga mong pag-ibig
Timbulang sagip sa panaghoy

Umihip man ang hangin, at magdilim ang kalangitan
Panatag lang sa gitna man ng kawalan

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, di ba, di ba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, di ba, di ba
Dahil di na mag-iisa
Sabi mo di ba, kapit ka lang sinta

Salbabida salbabida salbabida salbabida, dida, dida, dida!

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, di ba, di ba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, di ba, di ba
Dahil di na mag-iisa
Sabi mo di ba, kapit ka lang sinta

Salbabida salbabida
Salbabida-di-dada-di-da
Salbabida-di-dada-di-da
I-DADA-DI-DA

Ben&Ben

Filipino indie folk-pop band from Manila